Dainos žodžiai
Ah-ah
Ah-ah
Ah-ah
Pinaikutan mo 'ko, sumunod mundo ko, nahilo
Hindi ko inakalang lalaki
Bumigat ang kalungkutan, mga luha 'di napigilan
Hanggang ngayo'y bumubuhos pa rin
Matakot na kayo
Ako, ako ang bagyo
Kulimlim ng langit sa inyong dalawa
Bulong ko sa hangin, "Sana 'di kayo masaya"
Sa tibay ng bahay na titirhan niyo
Tatangayin ko bawat yero
Dahil ako, ako ang bagyo
Itinago na litrato, kunwaring 'di ko nakita
Takot ka sigurong masalanta ko siya?
Tingin mo ba 'di ko kaya? Gusto mo na gusto kita
Tinatali mo 'ko sa pag-asa
Matakot na kayo
Ako, ako, ako ang bagyo
Kulimlim ng langit sa inyong dalawa
Bulong ko sa hangin, "Sana 'di kayo masaya"
Sa tibay ng bahay na titirhan niyo
Tatangayin ko bawat yero
Dilim ng paligid, buhos ng emosyon
Tunog ng pag-ibig sa sama ng panahon
Sa tibay ng bahay na titirhan niyo
Gigibain ko mga pader niyo
Dahil ako, ako ang bagyo, ooh, ooh
Lahat ng hahawakan ko, lagi sa 'kin na lumalayo
Lahat ng tao na nariyan, sa tuwing lalapit ay nasasaktan
At 'pag nag-sawa na sila sa akin, 'pag wala na sa 'kin na nakatingin
'Pag hindi na 'ko nakakatawa, ako 'yong lagi na naiiwan mag-isa
Kahit pa na subukan ko ang lahat ng makakaya ko
Hindi pa rin naman 'yon sapat, kung iisipin mo
Walang lalapit kung puro lang sugat ang matatamo nila
At sa tagal ko na binitbit ang bigat nitong pag-ibig ko
Kunting galaw mo lang ay kidlat na 'gad sa dibdib ko
'Di ko naman gusto na saktan kita, kaya mag-ingat ka
Ako ang kulimlim ng langit sa inyong dalawa
Bulong ko sa hangin, "Sana 'di kayo masaya"
Sa tibay ng bahay na titirhan niyo
Tatangayin ko bawat yero
Kahit na matunaw ako
Dahil ako, ako ang bagyo
Pastebėjai teksto klaidą?
