🎵

Bahagya

prieš 5 mėn.
Tekstas

Dainos žodžiai

Pagkakataon
Palaging napapalampas
Sa bawat tinginan
Ako'y umiiwas
Na parang tanga
Kung 'yun naman talaga
Ang hinahangad kong mangyari sa'ting dalawa
'Di naman sa nagmamaldita
'Di lang marunong na landiin ka
Mga binata'y mahilig na maghabol
Pero iba ka pala
(Uh)
Hahakbang papalapit sa'yo
Kahit na kinakabahan
'Di masyadong nagpapahayag
Pero aking susubukan
Alam kong malayo pa, pero malayo na
Nang sinabi kong, "Gusto kita"
Kinilig ka ba nang bahagya?
Kinilig ka ba nang bahagya?
Mapanlinlang ba
(Ah, ah)
Hinahon kong pinapakita?
Sa totoo lang, malapit ko nang hindi to makaya
Kung hindi lang ako nagtitipid ng katapangan
Baka hindi lang sa tinginan ating tinunguhan, oh oh
'Di naman sa nagpapakipot
Oras lang ay masalimuot
Lalo na't bago ang danas
Ikaw aking lunas
Sana'y maintindihan
Kung bakit ako'y
Hahakbang papalapit sa'yo
Kahit na kinakabahan
'Di masyadong nagpapahayag
Pero aking susubukan
Alam kong malayo pa, pero malayo na
Nang sinabi kong, "Gusto kita"
Kinilig ka ba nang bahagya?
May hikbi sa bugso ng aking nararamdaman
May lambing sa pag-uunawa mo (pag-uunawa, uunawa mo)
May bigat ng konsensya kung hahayaan kong
Pangalanan kung ano man talaga ito
May hikbi sa bugso ng aking nararamdaman
May lambing sa pag-uunawa mo (pag-uunawa mo)
May bigat ng konsensya kung hahayaan kong
Pangalanan kung ano man talaga ito
Hahakbang papalapit sa'yo
Kahit na kinakabahan
'Di masyadong nagpapahayag
Pero aking susubukan
Alam kong malayo pa, pero malayo na
Nang sinabi kong, "Gusto kita"
Kinilig ka ba nang
BahagyaAaaaAaa
Kasi ako oo!
Sasabog na ang
Ang aking puso!
Pastebėjai teksto klaidą?