🎵

Hangal

2023 m.
Tekstas

Dainos žodžiai

Di na ako mapakali
Di naman sa napra-praning
Tila may umaaligid
Ito na ba ang babala
Na dapat kong dininig?
Tingin sa kanan, sa kaliwa
Ipapalit ba ang kaluluwa?
Pag pumalag sa kasinungalingan
Ako ay matatawag na "terorista"
(Oh!)
(Oh!)
Hindi naman sa nais ko na madakip
O gusto kong panganib sa'kin ay lumapit
(Oh!)
(Oh!)
Pero kapag namulat 'yong mga mata
Ika'y isang hangal kapag pumikit ka pa
Ang sabi sa akin ng ina
"Dahan-dahan lang magsalita"
Mga nailuklok sa lamesa
Daig pa mga diyos kung magpataw ng parusa
Kaya hindi sila natutuwa
Kritikal kaming nagpa-pasya
Nasisiwalat ang mga sikreto nilang
Pilit binabago ng teknolohiya
(Oh!)
(Oh!)
Hindi naman sa nais ko na madakip
O gusto kong panganib sa'kin ay lumapit
(Oh!)
(Oh!)
Pero kapag namulat 'yong mga mata
Ika'y isang hangal kapag pumikit ka pa
Huwag ka nang pumikit pa
Kailangan ka nila
Maliit na tinig natin ay
Dapat na marinig nila
Huwag ka nang pumikit pa
Kailangan ka nila
Maliit na tinig natin ay
Lalakas kapag sama-sama
(Oh!)
(Huwag na, huwag na, huwag na)
Hindi naman sa nais ko na madakip
O gusto kong panganib sa'kin ay lumapit
(Oh!)
(Bato bato sa langit)
(Matamaan huwag magalit)
Pero kapag namulat 'yong mga mata
Ika'y isang hangal kapag
(Huwag pipikit, oh, aking kapatid)
(Oh!)
(Kailangan ka nila)
Hindi naman sa nais ko na madakip
O gusto kong panganib sa'kin ay lumapit
(Huwag ka nang pumikit pa)
(Kailangan ka nila)
Pero kapag namulat 'yong mga mata
Ika'y isang hangal kapag pumikit ka pa
Pastebėjai teksto klaidą?