🎵

Hibang

2025 m.
Tekstas

Dainos žodžiai

Lumiliwanag aking mata sa may dilim
Ikaw pa rin sinta ang aking pinakalihim
Natatakot, naiinis, nanginginig
Sa tuwing naaalala kong tutol sa'tin ang daigdig
Di naman ako OA, pero hirap nang huminga
'Pag iniisip kong nahahagkan ka ng iba
Magkukulong na lang sa loob ng kwarto ko
Paiiralin ang imahinasyon sa kabilang mundo
Pakiusap, pakiusap, pakiusap
(Nakikinig ka ba?)
Di na uulit, di na uulit, di na
(Pasensya na)
Umiiling, umiiling, umiiling ang mga tao
"Nahihibang ka ba?"
"Siguro nga, para lang sa'yo"
Pipiliing maniwala sa hindi totoo
Para lang makasayaw ko ang iyong anino
Iilagang makalaya sa delusyong ito
Kung hindi baka ako'y maglaho
Habang-buhay sabi mo, ikaw at ako
Pinanghahawakan ang lahat ng 'yong pangako
Iilagang makalaya sa delusyong ito
Kung hindi baka ako'y maglaho
Oh, oh, oh
Nasasaniban nanaman ako ng pagkahumaling
Sa mga bagay na kinakailangang hingan ng paumanhin
Naubos yata ang lahat ng katalinuhan
Magmula ng makilala'ng dadala sa'king kamatayan
Di naman ako OA, sana ay mamatay na siya
Para sa wakas, mahagkan na muli kita
Magkukulong na lang sa loob ng kwarto ko
Paiiralin ang imahinasyon sa kabilang mundo
Pipiliing maniwala sa hindi totoo
Para lang makasayaw ko ang iyong anino
Iilagang makalaya sa delusyong ito
Kung hindi baka ako'y maglaho
Habang-buhay sabi mo, ikaw at ako
Pinanghahawakan ang lahat ng 'yong pangako
Iilagang makalaya sa delusyong ito
Kung hindi (hindi!) baka ako'y maglaho
Oh, oh, oh
Paulit-ulit, lumalapit
Ikaw pa rin 'gang sa huling saglit
Umaapaw ang damdamin
Kung di ikaw, di tatanggapin
Paulit-ulit, lumalapit
Ikaw pa rin 'gang sa huling saglit
Umaapaw ang damdamin
Kung di ikaw, di tatanggapin
Pakiusap, pakiusap, pakiusap
Nakikinig ka ba?
Di na uulit, di na uulit, di na
Pasensya na
Umiiling, umiiling, umiiling ang mga tao
"Nahihibang ka ba?"
"Siguro nga
Para lang sa'yo!"
P*t*ngina, ang lakas ng tawa ko!
Rawr!
Pastebėjai teksto klaidą?